Pamangkin ng vice mayor tinambangan, patay sa Batangas

NASAWI ang pamangkin ng vice mayor ng Talisay, Batangas at ang bodyguard nito habang patay din ang dalawang suspek makaraang tambangan kaninang umaga, Enero 17.

Batay sa inisyal na ulat, sakay ng kotse ang pamangkin ni Talisay Vice Mayor Florencio “Jojie” Manimtim Jr. na kinilalang si Dan August Manimtim at bodyguard nitong si Joel Caringal nang harangin ng mga hindi pa kilalang suspek sa kahabaan ng highway sa Barangay Tumaway.

Agad namang nasawi sa follow-up operation ang dalawang suspek sa Barangay Pagaspas, Tanauan City kung saan narekober sa kanila ang isang magnum 357 at AK-47

Matatandaang noon lang nakaraang Disyembre, napatay sa ambush si Vice Mayor Manimtim habang nasa SM Mall of Asia sa Pasay City.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply