Depensa sa prosekusyon: Walang personalan

HINDI kailangang maging padalos-dalos ang prosekusyon sa pag-aakusang tiwali ang mga abogado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, hindi patas ang House prosecution team sa pagbabato ng mga masasamang salita laban sa mga abogado ni Corona dahil ang kanila rin namang mga abogado ay minsan nang nagtanggol ng mga kliyenteng may mga kasong kriminal.

Tinukoy ni Suarez si private prosecution lawyers Arthur Lim na naging abogado ng Sulpicio Lines Inc. dahil sa kaso ng paglubog ng M/V Princess of the Stars na  marami rin ang namatay, apat na taon na ang nakalilipas.

Gayundin si Jose Justiniano na naging abogado ni US Marine Lance Corporal Daniel Smith na naakusahan ng panggagahasa sa isang Pinay sa Subic noong 2005.

Binanggit din ng mambabatas si prosecution lawyer Vitaliano Aquirre II na naging abogado rin ni Hubert Webb sa kaso ng Vizconde massacre simula pa noong 1995.

Ginawa ni Suarez ang reaksyon kasunod ng pahayag ni  Quezon Rep. Lorenzo Tañada III na isa sa mga unang inatake nito ay ang mga abogado ni Corona sa pagsasabing tiwali ang mga ito dahil nagrepresenta rin  kay dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at sa umano’y cronies nito.

Umapela rin si Suarez na sana ay mananatili lamang ang prosekusyon sa mga isyu sa halip na tirahin ang mga personalidad na kalaban sa impeachment trial.

Binigyang diin pa ni Suarez na batid naman ng lahat na ang prosekusyon ay may mahina at minadaling kaso patunay dito ang kabiguan na maisama ang ill-gotten charges na malinaw na hindi bahagi ng orihinal na articles of impeachment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply