Pamilya Ampatuan absuwelto sa CA sa kasong rebelyon

ABSUWELTO sa Court of Appeals sa kasong rebelyon na isinampa ng gobyerno ang pamilya Ampatuan, kaugnay sa nangyaring 2009 Maguindanao massacre.

Base sa ipinalabas na desisyon na si Associate Justice Elihu Ybañez ang may akda, kinatigan ng appellate court ang March 2010 ruling ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77 Judge Vivencio Baclig na walang sapat na basehan ang kasong isinampa laban kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao(ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan.

Nabatid pa na inabsuwelto rin sa kaso sina Datu Anwar Ampatuan, Datu Sajid Islam Ampatuan, Datu Akmad Tato Ampatuan at iba pang akusado.

“Petitioner (OSG) claims that the rebellion continued from November 24, 2009 to February 2010, yet in contrast, the martial law in Maguindanao was lifted on December 12, 2009, signifying that the rebellion had by then been crushed,” ayon sa bahagi ng desisyon.

Ayon pa rin sa hatol ng CA, sa kabila ng mga narekober na armas na pinaniniwalaang pag-aari ng mga Ampatuan, hindi umano sapat na ebidensiya ito para sabihing nag-aklas ang mga akusado laban sa gobyerno.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply