Pamilya Arroyo tutok sa impeachment trial

LUMALABAS na tinututukan din ng pamilya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ani dating First Gentleman Mike Arroyo, batay sa mga nakalipas na pagdinig, masasabing patas pa ang itinatakbo ng hearing, ngunit itinanggi nito na malapit sa kanyang misis si Corona.

Ani pa ni FG, bagamat naging dating chief of staff ni Ginang Arroyo si Corona, pawang professional lamang ang naging relasyon ng dalawa.

Dumipensa rin si Mike Arroyo sa akusasyong madalas na pagpabor ni Corona sa mga kasong kinakaharap ng kanyang misis.

Ayon kay Arroyo, isa lamang si corona sa 15 mahistrado ng Korte Suprema at magdedesisyon ito base sa konsensya.

Hindi rin aniya sila nagkakausap ni Corona bago pa man umusad ang impeachment trial.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply