Pamilya Corona ipatatawag sa impeachment trial

IPAPATAWAG ng prosekusyon sa Kamara de Representates ang mga pamilya ni Chief Justice Renato Corona.

Sa mosyon ng House prosecution panel na pirmado ni lead prosecutor Rep. Niel Tupas Jr. at Atty. Mario Luza Bautista,  kanilang hiniling sa impeachment court na mag-isyu ng subpoenae ad testificandum and subpoenae duces tecum sa mga sumusunod na pangalan para dumalo sa pagbubukas ng impeachment court sa Lunes, Enero 16.

Ang mga ipatatawag ay sina Chief Justice Renato Corona, Cristina Corona, Carla Corona-Castillo, Constantino Castillo, Francis Corona at Charina Corona.

Pinadadala sa pamilya Corona ang deeds of absolute sale, deed of conditional sale, deed of donation at iba pang dokumento kaugnay ng kontrobersiyal na pag-aaring condominium ng punong mahistrado.

Pinasusumite rin sa buong miyembro  ng pamilya ang income tax returns ng mga ito mula 1991 hanggang 2011.

Matatandaan na kahapon ay hiniling ng kampo ni Corona sa impeachment court na padaluhin sa impeachment hearing sa Lunes si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Tupas at apat na iba pang kongresista para magpaliwanag sa pagdinig kaugnay ng proseso ng pagsasampa ng asunto laban sa punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply