Pamilya ni Ramgen kakasuhan sa sex video

MAGHAHAIN na ng kaukulang kaso ang kampo ni Janelle Manahan laban sa pamilya ng namayapang aktor na si Ramgen Revilla kaugnay sa pagkalat ng sex video ng magkasintahan sa Internet.

Ayon kay Atty. Luke Espiritu, abogado ni Manahan, sasampahan nila ng kasong paglabag sa R.A. 9995 o Anti-Voyeurism Law si Genelyn Magsaysay at kanyang mga anak dahil sa pagkalat ng malalaswang video ng magkasintahan sa Internet.

Naniniwala si Espiritu na ang mga kapatid ni Ramgen at kanyang ina ang may kagagawan ng pag-upload ng naturang mga sex video dahil sila lamang ang may hawak ng computer, cellphones at iba pang electronic gadget na pag-aari ng napatay.

Ang magkakapatid aniya at ang inang si Genelyn ang may motibo sa pagpapakalat ng sex video lalo na’t nahaharap sila sa mga kaso at nais nilang alisin ang kredibilidad ni Manahan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply