Pamilyang apektado ng demolisyon sa San Juan kinalinga ng Simbahan

PINAYAGAN ng Catholic Church-affiliated group na pansamantalang manuluyan sa kanila kahit man lang dalawang linggo ang may 50 pamilya o 180 katao na apektado ng demolition operation sa San Juan City noon pang Enero 11.

Nabatid sa Task Force on Urban Conscientization (TFUC), the mission partner of the Association of Major Religious Superiors (AMRSP) na pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa TFUC office sa New Manila, Quezon City.

“The families will stay here (at the TFUC-AMRSP office) for one to two weeks or more and we will give our 100 percent support to them,” ayon kay TFUC-AMRSP program coordinator Arvin Makinano sa isang artikulo na lumabas sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines news site.

Kaugnay nito, nanawagan si Makinano sa publiko sa anumang tulong pinansyal upang makapagbigay ng pagkain at transportation allowance para sa mga bata na kinakailangang pumasok sa eskuwelahan matapos ang demolisyon.

Samantala, naglaan naman ng art classes sang child-welfare group, AKAP BATA partylist, at Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SAMANA) upang makarekober ang mga bata sa trauma dulot ng tensyon ng nakaraang demolisyon.

Matatandaang nagkaroon ng matensyong demolisyon sa Corazon de Jesus village makaraang manlaban ang mga residente na lisanin ang kanilang kinatitirikang tahanan kung saan naglaan ang city government ng relokasyon sa Montalban, Rizal para sa kanila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply