Pamisa ng kongresmen vs pamisa ni Corona

HEK! Hek! Hek!

Kanya-kanyang pamisa ang magkalabang grupo sa kasong impitsmen.

Yung mga kongresman na magsisilbing piskal o tagausig, nagpamisa sa Ateneo Chapel sa Quezon City.

Si Corona naman ay sa kanyang sariling bakuran sa Korte Suprema sa Manila.

Binasbasan ng pari sina Ispiker Belmonte at mga KKK nito at binasbasan din ng pari si Corona at mga kakosa nito.

Kinanta ng mga taga-usig ang peborit antem ng mga kumrad na Bayan Ko habang itong sina Corona naman ay nagnobena ng siyam na araw.

Sa mga diyos na tinawag ng magkalabang grupo, sino kaya ang mas malakas?

Diyos ng mga piskal-kongresman o diyos nina Corona?

oOo

Walo ang mga kaso na inihain ng mga piskal-kongresman laban sa Punong Hukom.

Pero lumalabas na pinatitingkad ng husto ng mga tagausig ang pagtatago umano sa iba’t ibang paraan ni Corona  ng  mga kuwestiyonableng kayamanan.

Por eksampol ang hindi nito pagsusumite umano ng Statement of Assets and Liabilities and Networth at pagpapangalan sa kanyang mga anak o kamag-anak ng mga pag-aari nito.

Buwelta naman ng Punong Hukom: hindi niya katulad ang iba riyan (ang mga tagausig) na magnanakaw at hindi rin nagsusumite ng kani-kanilang mga SALN.

Nasa likod ng dila ni Corona ang P70 milyong taon-taon na pork barrel na pinagkakakitaan sa pandaraya ng mga kongresman sa komisyon, ghost projects at tongpats.

oOo

Ngayon, Suki, kanino kaya papanig ang mga diyos sa mga sinasabi ni Inday Susan na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw?

Kinakabahan tuloy tayo sa pandaramay ng mga kolokoy na ito kay Bathala.

Baka magalit ito!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply