Pampasaherong dyip sumirko, 11 sugatan

TINATAYANG 11 ang sugatan kabilang ang isang 3-anyos na lalaki makaraang sumirko ang isang pampasaherong jeep sa Antipolo City nang mawalan umano ito ng preno.

Nabatid na isinugod sa Amang Rodriguez Hospital ang mga biktima, kung saan dalawa sa mga ito ay napuruhan sa ulo at kaliwang braso kaya kinailangan pang ma-confine sa ospital.

Sa paunang imbestigasyon ng Antipolo City Disaster and Management Office, sakay ang mga biktima ng jeep na biyaheng Cubao mula Cogeo, Antipolo nang mawalan ng preno sa pababang bahagi ng Marie Subdivision na sakop ng Marcos Highway sa Barangay Mayamot kagabi.

Una umanong ibinangga ng hindi pa kilalang driver ang jeepney sa isang fire hydrant bago tumaob at tumilapon ang ilang pasahero.

Tumakas ang driver matapos ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply