Panawagan ni Corona na isapubliko ang SALN ng solons pinalagan

BINUWELTAHAN ngayon ng liderato ng Kamara si Supreme Court Chief Justice Renato Corona matapos silang balikan kaugnay sa hindi pagsasapubliko ng statement of assets and liabilities and net worth (SALN) ng mga kongresista.

Iginiit ni House Speaker Feliciano Belmonte, na mas dapat munang pagtuunan ng pansin ang usapin sa SALN ni Corona.

Ito ay kasunod ng panawagan ng punong mahistrado sa mga kongresista na isapubliko ang kabuuan ng kanilang SALN upang makita at maalis din ang pagdududa sa publiko.

Ani Belmonte, dapat pagkatapos na lamang ng paglilitis o di kaya ay kapag naipakita na ni Corona ang kanyang SALN ay saka lamang nila aasikasuhin ang pagpapalabas ng SALN ng mga mambabatas.

Sinabi ni Belmonte, na mas importante ang SALN ni Corona na nauna ng nailatag.

Ayon pa sa Speaker, bahagi lamang ito ng tila diversionary tactic ng kampo ni Corona gayung batid naman ng lahat na ang SALN ng mga mambabatas ay maaaring isapubliko anumang oras.

Taliwas aniya sa hudikatura, ang SALN ng mga kongresista ay bukas sa pagbusisi.

Sa kabilang banda, ipinauubaya naman ng 11-man prosecution panel sa impeachment court kung dapat pa ngang isubpina si Belmonte.

Ito ay kaugnay sa diumano’y brasuhang naganap sa Kamara noong nakaraang taon upang makalap ang may 188 na lagda sa resolusyon na nagsusulong sa walong article of impeachment.

Sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara, deputy spokesperson ng prosekusyon na isinumite na nila ngayong araw sa Senado ang tugon o pagtutol sa pagpapasubpina sa mga mambabatas sa pagsasabing hindi maaaring kwestiyunin ng Senado ang ginagawa ng Kamara de Representantes bilang pagkilala sa inter-parliamentary courtesy.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply