Panghihimasok ng China sa Pinas binatikos

BINATIKOS ng Philippine government ang hayagang panghihimasok ng China sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas.

Sa isang kalatas, ani Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na “serious concern” ang insidente na pagpasok ng tatlong Chinese navy ships sa territorial water ng Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ang tinutukoy ng kalihim ay ang naiulat na sightings ng tatlong barko ng China sa Sabina Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea noong December 11 at 12, 2011.

Ang Sabina Shoal ay matatagpuan sa layong 123.6 nautical miles mula sa Palawan at malinaw na nasasakupan ito ng soberenya at maritime jurisdiction ng Pilipinas.

“These instrusions of the Chinese are clear violations of the 2002 ASEAN-China Declaration on the Conduct of Parties (DOC) in the South China Sea as well as the provision of the United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon sa pahayag ng kalahim sa ipinalabas na kalatas ng DFA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply