Panloloko ng manufacturer ng paputok tutuldukan na

MAGHAHAIN ng panukalang batas si Sen. Pia Cayetano upang amiyendahan ang An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices upang tuluyan nang masugpo ang pananamantala ng mga manufacturer ng paputok.

Ayon kay Cayetano, chairman ng Senate committee on health and demography, kailangan nang masugpo ang paulit-ulit na disgrasyang nagaganap dahil sa paputok na batay sa huling tala ng Department of Health, ay halos kalahati ng biktima ay kabataan.

“Maghahain tayo ng kaukulang panukala upang magtakda ng mas mahigpit na regulasyon sa paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices kabilang ang pagbabawal sa paggamnit nito ng sinumang pribadong indibiduwal,” ayon kay Cayetano.

Layunin ng panukala ani Cayetano na tanging local government units lamang ang may kapangyarihan na gumamit ng fireworks and pyrotechnic displays sa buong bansa.

Layunin ng panukala na maiwasan ang gawain ng ilang tagamanupaktura na lumalabag sa batas sa pamamagitan ng simpleng pagpapalit o re-branding ng ipinagbabawal na paputok.

Bukod sa listahan ng ipinagbabawal na paputok na itinakda sa batas, layunin ng panukala na magtakda ng pamantayan sa maximum allowable na dami ng pulbura bilang basehan sa pagbabawal ng ilang uri ng paputok na hindi kabilang sa ipinagbabawal ng gobyerno.

“Where else in the world do we hear news of firecracker fatalities and injuries during the New Year revelry but in the Philippines? Until when will we Filipinos allow this yearly carnage? Do we have to wait for a plane crash to happen due to the heavy smog caused by firecracker pollution before we come to our senses?” anang senadora.

Base sa ulat ng DOH, umabot na sa 949 ang biktima ng paputok at ligaw na bala ngunit inaasahan pang lalago ang bilang dahil patuloy na dumadating ang report mula sa pagamutan na itinakda ng DOH sa paggagamot ng mga nabiktima.

Binatikos din ni Cayetano ang pananaw ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Associations (PPMDA) na lumang tugtugin na ang pagbabawal sa paputok na hindi naman maipatutupad at malulugmok ang batas.

Sinabi pa ng senadora na inaasahan na ganito ang sasabihin ng mga manufacturer ng paputok dahil pinangangalagaan nila ang kanilang negosyo.

“Of course they will say that. They simply want to protect their business interests and keep their profit margins in the guise of preserving Filipino ‘traditions.’ But why would we continue to allow a tradition that is harmful to our people? It is high time that we regulate this practice,” giit ni Cayetano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply