Pantasya ang ‘hotdog’ ni Gerald Anderson

NAKATUTUWA ang Mocha Girls dahil sila na lang ang all female group na nakasu-survive at talagang aktibo at kahit international shows ay nape-penetrate nila. Kagagaling lang nila sa Dubai, nagkaroon sila ng Malaysian tour, Bahrain tour at paalis na naman sila papuntang Cambodia para mag-show ngayong Sunday. Nakatakda rin silang mag-show sa Canada at sa Macau.

“Nakatutuwa dahil naipagmamalaki ng mga Pinoy roon ang Mocha Girls na Pinoy talents. Marami kasing mga foreigners ang kumukuha sa amin to perform sa mga bars at todo ang press release sa amin gaya sa Bahrain. Masaya kami na nadadala namin ‘yung honor ng Pilipinas thru entertainment. May inaayos din kaming show na breast cancer awareness sa New York,” kuwento niya.

Naniniwala si Mocha na the best ang batch ngayon ng Mocha, swak at perfect time na dumating lahat ang magandang pagkakataon dahil ready na ang grupo na mag-show internationally. Ito’y pinangungunahan niya kasama sina Mae, Franz, Yumi at Aura.

Ano’ng sikreto na parang sila na lang ang naiiwang grupo?

“Siguro dahil iisa ang gusto namin. Pare-pareho ang takbo ng utak na we’re just here to perform. Kasi ‘yung iba medyo kalat ang utak. Gusto magbiyahe nang matagalan, six months, pero ang mga ito gusto talagang mag-perform, magkaroon ng album. Gusto lang naming kumanta, sumayaw at magpasaya ng tao gabi-gabi. Tinitingan naming hobby ito, mag-enjoy tapos kumikita na rin kami,” aniya pa.

Naka-tsikahan namin si Mocha Uson kung ano ang plano ng grupo ngayong 2012.

“Well bukod sa aming 2012 calendar, meron kaming Mocha Girls third album produce ng Playboy Fragrances under Belhaus Entertainment. Simula nu’ng 2011, pinatutugtog na sa malalaking radio stations ‘yung kanta naming ‘Isa Pa Nga.’”

“Ang message ng ‘Isa  Pa Nga’ ay pinaparating namin sa kalalakihan na sa pagmamahalan ay mutual, hindi lang dapat lalaki ang nasasarapan. Dapat pati ang babae. “Kasi minsan, lagi kaming bitin kaya dapat isa pa nga. Gusto naming ipaalam sa mga lalaki na gusto rin naming labasan,” aniya pa.

“Lahat ng kanta rito, puro ‘yung grupo ang kumanta. Pero may kinumpose akong kanta rito, ang title niya ay ‘Hotdog.’ Kaya lang na-ban ito sa mga radio stations dahil bastos daw. Hindi naman ito double meaning, depende sa utak ng tao, hotdog lang naman ‘yun e, e bakit ‘yung ‘Bulaklak’? Malago, mapula, may mabaho, may maitim pwede pero ‘yung hotdog hindi, di ba?” bulalas pa ni Mocha.

“Marami kasi ang naghahanap ng song ko na ‘Hotdog’ sa Facebook kaya kung hindi man mapatugtog sa radio, ikakalat namin sa internet. Gagawa kami ng video. Hotdog lang naman, e. ‘Kay sarap ng hotdog, mas masarap pag may itlog. Paboritong hotdog malaman at kay lusog. Kay sarap ng hotdog, ako’y nabubusog. Kay laki at kay tigas ng iyong hotdog,” pagkanta pa ni Mocha.

Kaninong hotdog ang pinapantasya niya ngayong 2012?

“Ha!ha!ha! Si Budoy (Gerald Anderson), ‘Yung hotdog ni Budoy. Hahahaha,” natatawa niyang sagot

Bakit?

“Kasi ano, e, parang malaki ‘yung hotdog niya. Hindi ba? Ano ba ang balita? Ang sarap siguro” sey pa ni Mocha.

-0o0-

SISIMULAN ang 2012 nina Claudine Barretto at Raymart Santiago with their second honeymoon!
Talagang naayos na nila ang anumang gusot na namagitan sa kanilang mag-asawa.

“Aalis kami this January, this month, for Italy, oo, on January 24. Pinlano namin iyon para makapag-bonding kami kasi hindi pa … parang once pa lang kami nakapag-spend time na kaming dalawa lang, na yung ten-day trip namin in Bangkok.

“Lagi kasi kasama yung mga bata. Pati nung honeymoon namin sa Amanpulo kasama pa rin namin si Sabina.

“So parang ngayon naisip namin na oras naman para yung kaming dalawa lang talaga, para talagang makapag-bonding and to really spend time talaga together.”

Mas focused na si Claudine sa kanyang career ngayong 2012.

“Dalawa na ngayon yung manager ko so maraming plano sa career ko this 2012, so I’m really excited.

“So sa mga fans ko, sana maging mas excited na kayo sa maraming projects na gagawin natin sa taon na ito.

“Babawi tayo,” deklara niya.

-0o0-

LAMAN noon ng blind item na may nabuntis si Dion Ignacio.

“Nabuntis? Wala! Wala na kami ng girlfriend ko, pero alam ko hindi siya buntis.”

Mahigit isang taon na raw silang hiwalay ng non-showbiz na ex-GF niya.

“Ganyan talaga, e. Tadhana lang makapagsasabi niyan, e.”

Magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Wala raw GF si Dion ngayon.

Tinanong naman natin kung totoo bang naging girlfriend niya ang EB Babes na si Saida.

“Hindi, hindi, wala iyon, kakilala ko dati yun. Parang kakilala ko lang nung hindi pa nagsu-showbiz.”

Nag-date raw sila rati.

“Dati, parang labas-labas pero wala lang yun, hindi naging kami,” sey niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply