‘Pantawid Pasada’ muling ipamumudmod

MULING mamimigay ng “Pantawid Pasada Program” ang pamahalaan para matugunan ang epekto ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, naka-standby na ang P200 million para sa nasabing problema na manggagaling sa Department of Energy (DoE).

Ayon kay Lacierda, tiyak na ang re-activation ng Pantawid Pasada na pakikinabangan ng mga operator at tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Inihayag naman ng DoE na aabot sa mahigit 90,000 ang mga benipisaryo ng programa na maaaring mabigyan muli sa mga susunod na linggo sa gagawing reload.

Unang ipinamigay ang smart card para sa public transport noong nakaraang taon at may halagang P1,050.

Kaparehas na halaga rin ang ikakarga sa mga nasabing cards at sisimulan ang reloading sa lalong madaling panahon.

Samantala, nilinaw naman ng Malakanyang ang pahayag ng DoE kaugnay sa posibleng pagrarasyon ng langis.

Inihayag ni Lacierda, ito ay isa lamang sa mga opsyon o contingency plans sakaling humantong sa krisis ang problema sa petrolyo bunsod ng pagbabanta ng Iran na isara ang Strait of Hormuz, ang pangunahing daanan ng mga inaangkat na langis mula sa Arab region.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply