Paraffin test ikakasa vs PNP members

PARA malaman kung nagpaputok ng kanilang baril, ikakasa agad ni Department of Interior and Local Government Sec.  Jesse Robredo ang random paraffin test sa lahat ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam kay Robredo kahapon, sinabi nito na layon niyang malaman kung sinong pulis ang nagpaputok sa pagsalubong ng bagong taon hanggang kanina ng madaling-araw.

Aniya, sakaling magpositibo ang isang pulis ay pagpapaliwanagin ito kung bakit niya ginawa.

Pero nilinaw ni Robredo na hindi naman ito nangangahulugang parurusahan ang nagpaputok na pulis kung ginawa sa pagpapatupad ng tungkulin.

Anim ang naitalang biktima ng stray bullet sa magdamag sa pagsalubong sa Bagong Taon na  karamihan ay mga kabataan.

Maliban sa Metro Manila, isa rin ang napatay ng ligaw na bala sa Iloilo kagabi, habang isang buntis ang nasugatan sa Laoag City.

Tatlong katao ang tinamaan ng ligaw na bala sa Ilocos Sur at isang bala ng 9mm naman ang bumagsak sa bubong ng Manila Police District (MPD) Press Corps Office sa Maynila.

Samantala, isang lola rin ang namatay sa ligaw na bala sa Santa Ana, Maynila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply