Paragua, Bitoon wagi sa 4th Chennai Open

KUMAMADA ng magkakahiwalay na panalo sina Grandmaster Mark Paragua at Richard Bitoon ng Pilipinas matapos ang ika-pitong laro ng SDAT-RMK 4th Chennai Open Grand Master Chess Tournament nitong kagabi (Enero 8) sa Chennai, India.

Pinisak ni Paragua si Navalgund Niranjan ng India habang winasiwas naman ni Bitoon si Hemant Sharma ng India.

Hindi naman kinasihan ng suwerte si GM John Paul Gomez matapos matalo kontra kay International Master Karthikeyan ng India.

Sina Paragua, Bitoon at Gomez ay kapwa nakapagtala ng 5.0 puntos sapat para makisalo sa ika-20 hanggang ika-45 na puwesto.

Napataas naman ni Karthikeyan ang kanyang kartada sa kabuuang 6.0 na puntos, kaparehas nina GM Hoang Thanh Trang ng Hungrary at Ma Qun at Zeng Chongsheng ng China.

Samantala, magkasalo sa liderato sina top seed  GM Aleksej Aleksandrov ng Belarus at Yu Ruiyuan ng China matapos makalikom ng 6.5 na puntos sa bisa ng magkahiwalay na panalo. Kinaldag ni Aleksandrov si IM Vaibhav Suri ng India habang ginulat ni Ruiyuan si GM Mikhailo Oleksienko ng Ukraine.

Ang isa pang Filipino entry na si GM Oliver Barbosa ay nagkasyasa tabla kontra kay Pradeep Kumar ng India tungo sa 4.5 puntos.

Suportado nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr., Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo “Richie” Garcia at Philippine Olympic Committee (POC) President Jose “Peping” Cojuangco  ang India chess campaign na bahagi ng Philippine chess team preparation sa 38th World Chess Olympiad na gaganapin sa Istanbul, Turkey sa taong ito. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply