Parak na nautas sa Taguig blast baguhan

MAKARAANG ipag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicanor Bartolome ang imbestigasyon sa pagsabog ng isang vintage bomb sa Taguig City kamakailan, inamin din ng pamunuan na malaki ang pagkakamali ng tatlo nilang tauhan mula sa Explosives and Ordnance Disposal (EOD) Unit ng Special Action Force (SAF) sa pagpapa-welding sa naturang bomba kaya iyon sumabog.

Ibinunyag ni PNP Spokesperson Agrimero Cruz Jr. na may isang buwan pa lamang nang magtapos ang mga nasabugang pulis sa pagsasanay sa paghawak ng mga bomba.

Sinabi rin ni Cruz na may karapatang magreklamo ang mga pamilya ng nabiktima sa pagsabog sa kabila ng kanilang pangakong tulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply