Parak na tulak sa Sultan Kudarat arestado

DINAKIP ng kanyang mga kabaro ang isang miyembro ng Philippine National Police matapos madakip at makuha sa kanyang posisyon ang 11 bulto ng shabu sa isang checkpoint sa PNP Kababayan Center, Barangay Kinram, Isulan, Sultan Kudarat, sa ulat ng pulisya.

Base sa report na isinumite ni P/Sr. Supt. Danilo Peralta, hepe ng Sultan Kudarat PNP, kinilala ang inarestong pulis na si PO1 Mushiv Abas Manigpil, 27, ng Talisay, Maguindanao at miyembro ng PNP Maritime sa Gensan City ngunit nagpalipat sa Cotabato.

Nahuli si Peralta sa isinagawang joint blocking force ng pinagsamang puwersa ng Sultan Kudarat PNP, Isulan PNP, Tacurong City PNP at regional mobile group (PNP-12).

Kinilala naman ang sibilyan na kasama nito na si Nasrula Pama Pamanay, 18 at residente rin ng Talisay, Maguindanao.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang 11 bulto ng shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang P500,000, cash na P40,000, issued firearm na isang baby armalite, isang granada at isa pang short firearm.

Sa ngayon, nakulong na ang mga suspek at nasa kustodiya naman ng Crime and Laboratory sa General Santos ang nasamsam na shabu.

Si PO1 Manigpil ay pinaniniwalaang isa sa mga nagsusuplay ng droga sa buong Region 12.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply