Parak vs riding in tandem: 2 patay

PATAY ang dalawa habang nakatakas ang isa makaraang makaengkuwentro ng pulisya ang riding in tandem sa Quezon City kaninang madaling araw, Enero 25.

Nabatid na agad na nasawi ang dalawa sa tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo na sinita ng mga pulis sa may Quirino Highway sa Lagro, Barangay Pasong Putik, Fairview, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsasagawa ng preventive patrol ang apat na tauhan ng Quezon City Mobile Patrol Division nang mamataan ang tatlong sakay ng motorsiklo na walang helmet.

Sinundan ang mga ito ng mga pulis at sinita pero habang papalapit ang mga pulis, agad na bumaba ng motorsiklo ang dalawa at nakipagbarilan.

Nakatakas naman ang driver ng motorsiklo.

Narekober sa mga napatay na may edad 25 hanggang 30-anyos ang isang kalibre .38 revolver at isang handgun.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply