Paratang na pagpapabaya sa ekonomiya inalmahan

PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na napabayaan na ni Pangulong Benigno  Aquino III ang ekonomiya ng bansa dahil sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Tinuran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sa kabila ng naka-monitor ang Chief Executive sa takbo ng proceedings, hindi naman nangangahulugang dito na lang ito nakatutok.

Magugunitang, humina ang ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng 2011 at patuloy pang tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo kung saan wala umanong magagawa rito ang pamahalaan.

Hindi na anila sila nagtataka na ganitong senaryo na pilit pinipinta ng kanilang mga kritiko.

Kanina, nasa loob lang ng Malakanyang ang Pangulo kung saan nakipagpulong sa US Congress delegation na pinangunahan ni Sen. John McCain.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply