Pareng Ricky

MAY mga tao na naging bahagi ng buhay natin na bagama’t lumipas na ang mahabang panahon ay hindi nawawala ang pagiging kaibigan.

Kahit na minsan o madalas nating masaktan o mabalewala ang kanyang nagawang kabutihan.

Malaking grupo ang barkadahan nina Anton at Ricky.  Si Anton ang kinikilala ng barkada na “lider” ng grupo kaya siya sinusunod ng grupo.

Samantalang si Ricky naman ang pinakatahimik at walang kibo.

Kadalasan nga ay wala siya sa mga lakad ng tropa dahil mas abala siya sa kaniyang trabaho at pamilya.

Minsan ay napalaban ng away ang grupo ni Anton ngunit wala si Ricky. Kinasamaang palad ay nasaksak si Anton at na-ospital ito. Nabalitaan ni Ricky ito at dinalaw sa ospital si Anton na noon ay walang malay. Malubha ang sugat ni Anton at malaking halaga ang kinakailangan.

Sinagot ni Ricky ito ngunit hindi niya pinaalam kay Anton. Nang lumabas si Anton tumawag siya kay Ricky ngunit laking gulat ni Ricky nang sumbatan pa siya ni Anton, “Pareng Ricky, wala kang kwenta! Wala ka noong napaaway ang grupo!”

Nasaktan si Ricky noon at sa paglipas ng panahon hindi  na  siya  kumontak  at
humiwalay na sa barkada.

Naging matagumpay si Ricky sa negosyo at nang minsa’y nangailangan siya ng mga bagong empleyado ay may nabasa siya na application form. Kaagad pinatawag niya ang aplikante at kinuha niya. Tuwang-tuwa ang aplikante at minsa’y pumunta siya sa Boss Ricky niya.

“Sir, may gusto pong magpasalamat sayo” ang sabi ng bagong empleyado. “Sige, papasukin mo.”

Bagamat mas matanda na ang mukha ni Anton ay nakilala agad siya ni Ricky. Si Anton pala ang ama ng aplikante.

“Pareng Ricky, maraming salamat at patawad.” Niyakap ni Ricky si Anton at sinabing “Nandito lang lagi ang Pareng Ricky mo.”

Readers, may mga tao bang katulad ni Pareng Ricky sa buhay niyo? Isipin natin at habang may panahon pa sa buhay mo ay hanapin mo siya at pasalamatan dahil ang tunay na kaibigan ay ‘di mawawala kahit kailan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply