Paring Australyano natagpuang patay

PUSPUSAN na ang ginagawang imbestigasyon ng Carcar City Police Station kaugnay sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang Australyanong pari sa isang sapa sa Sitio Ilaya, Brgy. Can-asuhan sa Carcar City, Cebu.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Fr. Douglas Rowe, 69, na naninirahan sa Madeland Western Australia at founder ng Patrist Society of the Son and Daughters of God na nakabase sa Barangay Bulacao, Talisay City, Cebu.

Base sa report ng mga awtoridad, kasama ng pari ang isang madre na si Sister Jan Rebutaso at isang non-broker na si Sunshine Hoyo sa naturang lugar dahil sa plano ng biktima sa pagbenta sa nabili nitong lupa na malapit sa Can-asuhan River.

Dagdag pa ng awtoridad, inutusan umano ng pari sina Rebutaso at Hoyo na kumuha ng karagdagang larawan gamit ang camera sa nasabing lupa ngunit pagbalik ng mga ito ay natagpuan na lang na nakalutang ang biktima.

Sinubukan pa itong dalhin sa malapit na pagamutan ngunit wala na itong buhay.

Isinailalim sa awtopsiya ang katawan ng Australyano dahil ang ipinagtataka ng mga awtoridad ay kung bakit nakalawlaw na ang suot nitong pantalon at underwear na umabot sa tuhod. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply