Pasahod sa driver ng bus pinalagan

MAYORYA ng mga  bus operators at bus drivers ang hindi pumabor sa naging kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan na lamang ng minimum na pasahod  ang mga driver.

Bagama’t wala naman anila silang magagawa kundi sumunod sa kautusan ay labis lamang anila silang nabigla sa biglaang paglalabas ng Memorandum order (MO) ng LTFRB at pagpapatupad nito sa darating na Enero 16.

Aminado ang mga Operators na hanggang sa ngayon aniyay wala pa rin silang mga ideya kung paano ipapatupad ang minimum na pasahod sa driver kasama na ang Social Security System, PhilHealth at Pag-ibig na naayon sa batas.

Wala pa rin aniya silang internal rules and regulations (IRR) kung papaano nila maipapatupad ang MO.

Ayon sa mga bus operator, dismayado rin sila sa kanilang mga transport leader dahil ramdam nila na tila walang kumakalinga sa kanilang hanay. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply