Paslit nagkalasug-lasog sa napulot na granada

NAGKAGULANIT-GULANIT ang katawan ng isang batang lalaki nang sumambulat ang granadang kanyang napulot sa Danao City, Cebu kaninang umaga.

Naisugod pa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) ang biktimang si Albert James Lawas, 10-anyos pero binawian na rin ng buhay sanhi ng tinamong shrapnels sa iba’t ibag parte ng katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga sa mismong likurang bahagi ng bahay ng biktima.

Sa pahayag ng nanay ng biktima na si Marites, 24-anyos, bago ito ay nangangalakal ng bakal ang kanyang anak sa likuran ng kanilang bahay upang maibenta.

Tiyempo namang nakahukay ang biktima ng isang granada na hindi nabatid ang uri.

Dahil walang kamalay-malay na pumuputok ang nahukay ay kinalikot ito ng biktima.

Hinala ng Danao City PNP, aksidenteng natanggal ng biktima ang pin ng granada kaya matapos ang may sampung segundo ay bigla itong sumambulat sa katawan ng paslit.

Iniimbestigahan na rin ng Danao City police kung kanino o saan nagmula ang sumabog na granada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply