Paslit, pinugutan, tinanggal ang mata sa Negros Occ.

PINUGUTAN ng ulo at tinanggalan ng mata ang isang 6-anyos na babae ng umano’y drug addict sa Binalbagan, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima sa pangalan na MJ, ng Brgy. Claro, Binalbagan.

Nabatid sa pulisya na niyaya umano ng suspek na si Lyndon Munton ang biktima kahapon kasama ng walong taong gulang na batang kapitbahay nito na manguha ng tubo.

Base sa salaysay ng kasama ng biktima, pagdating nila sa taniman ng tubo ay sinabihan siya ng suspek na maiwan muna sa labas ngunit nabigla na lamang ito nang kaniyang narinig na umiiyak at sumisigaw na ang biktima.

Dahil sa takot ay tumakbo ito pauwi at nagsumbong sa kaniyang mga magulang na siya namang nagpaabot ng impormasyon sa pamilya ng biktima at sa pulisya.

Sa kanilang pagresponde sa lugar, naabutan nila ang biktima na pugot na ang ulo at tanggal na ang mata.

Kaagad namang nahuli ang suspek ngunit itinanggi na siya ang may kagagawan sa krimen.

Pinaniniwalaan ng pulisya na ito ay nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot habang ginagawa ang krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply