Pastera ikukulong sa Parañaque City Jail

MATAPOS dalhin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sumukong si Ryan Pastera sa korte kaninang umaga, naglabas na ng kautusan ang Parañaque Regional Trial Court (RTC) para itakda kung saan dapat ikulong ito bilang isa sa mga akusado sa pagpaslang kay Ramgen Revilla.

Sa inilabas na “commitment order” ni Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng branch 274, inatasan niya na maisailalim sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management (BJMP) si Pastera at ikulong sa Parañaque City Jail, kasama ang iba pang mga akusado sa krimen.

Nauna nang sumuko si Pastera kahapon ng umaga sa tanggapan ng NBI matapos bigyan ng isang linggong palugit ng binuong Task Force Ramgen bago mapabilang sa “most wanted person” ng Parañaque police.

Sinabi ni Pastera na noong Biyernes lamang nakarating sa kanyang kaalaman ang inilabas na warrant of arrest ng korte dahil nagpasya siyang magbakasyon sa kanilang probinsiya upang mapanatag ang kalooban ng kanyang pamilya na labis na nangangamba sa kanyang kaligtasan.

Mula aniya nang masangkot ang kanyang pangalan sa krimen, may ilang hindi kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo ang umaaligid na sa kanilang bahay kaya labis ang naging pangamba ng kanyang pamilya.

Naniniwala naman si Chief Insp. Ferjen Torred ng Task Force Ramgen na magiging maganda ang takbo ng kanilang kaso ngayong sumuko na si Pastera na pinaniniwalaang magbibigay linaw sa pagkakasangkot ng magkakapatid sa krimen.

Nauna nang itinanggi ni Pastera ang pagkakasangkot sa pagpatay at sinabing tanging si Hiro Furuyama lamang, asawa ni Gail ang kanyang kaibigan at hindi ang isa pang akusado na si RJ Bautista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply