Pastor patay sa pamamaril

PATAY ang isang pastor matapos pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay may kausap sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kaninang umaga.

Dead on arrival sa Martinez Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo si Angelito Guttierrez, 53, ng Julian Felipe st., ng lungsod at pastor ng Jeus Source of Hope Christian Fellowship.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga habang kausap ng biktima ang kaibigan sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang suspek at pinutukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay naglakad lang papalayo ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MH.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang suspek at malaman ang motibo sa pagpatay sa pastor. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply