Pasyenteng walang pambayad, tumakas

DAHIL sa kawalan ng pambayad  ng  isang 47 -anyos na pasyente ay minabuti na lamang nitog tumakas sa hospital upang takbuhan ang kanyang hospital bill.

Sa report, nakilala ang  pasyente na si Shiela Agustin.

Ayon sa security guard ng Metro Vigan Cooperative Hospital, Bantay, Ilocos Sur na si Eric Aquinaldo, tumakas umano si Agustin sa naturang ospital dahil marahil wala itong maipambayad sa kanyang hospital bill na umaabot sa halagang mahigit P200,000.

Dahil dito agad siyang dumulog sa himpilan ng pulisya sa Bantay PNP upang ireklamo si Agustin at upang matunton ito at mapanagutan ang kanyang pagkakautang sa ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply