Patong sa ulo ni Palparan P1M na

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DOJ) na mula sa kalahating milyong piso ay umakyat na sa isang milyong piso (P1 milyon) ang reward money para sa tipster na makapagtuturo o makahuhuli kay retired Army Major Gen. Jovito Palparan.

Si Palparan ay nahaharap sa kasong serious illegal detention at kidnapping sa dalawang estudyante ng University of the Philippines.

Ang pagtataas sa reward money ay batay na rin sa napagkasunduan ng DOJ at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nauna rito ikinasa ng DILG, DOJ at Philippine National Police (DILG-DOJ-PNP) ang reward para sa ikadarakip nang nagtatagong si Palparan.

Naniniwala ang PNP na makatutulong ang inilaang reward money sa agarang paghuli sa puganteng heneral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply