Pauleen ipinagpatayo ng bahay ni Vic

HINDI matanggap ng mother ni Pauleen Luna ang tsismis na ginagastusan daw ni Vic Sotto ang bahay na ipinapatayo ng anak.

Foul daw ang paratang at lalong walang katotohanan daw na may relasyon ang anak na si Pauleen kay Bossing Vic.

Sabi ng mother dear ng actress/TV host, magkaibigan lang sina Pauleen at Vic. Malaki raw ang tiwala ng mother kay Bossing.

May pera naman daw sila para makapagpatayo ng bahay at hindi makatuwiran na bigyan ng malisya ang pagkakaibigan ng anak at ni Bossing Vic.

Hindi rin daw nagugustuhan ni Bossing Vic na sabihan na hindi naghahanap ng babaeng pakakasalan.

Samantalang itinanggi naman ni Gwen Zamora na inili-link din kay Bossing na dinedma nito ang pagpaparamdam ng TV host/comedian.

Sabi ni Gwen, trabaho lang ang samahan nila ni Bossing at walang personalan. Saka malabong magkaroon daw sila ng relasyon dahil may boyfriend siya ngayon.

*******

WALA nang makakapigil pa sa pagpapakasal ng former Miss International Precious Lara Quigaman sa character actor na si Marco Alcaraz.

Tsika ni Precious, sobrang napi-pressure na raw siya dahil 9 months na lang ang bibilangin bago sila ikasal pero wala pa rin silang napipiling venue.

Gusto kasi ni Marco ay beach wedding, samantalang garden wedding naman ang type ni Precious. Kaya kailangan na raw nilang magdesisyon sa buwan na ito para hindi sila gahulin sa panahon.

Marami raw ang nagulat at nagtatanong kay Precious kung ano ang nagustuhan niya kay Marco at ito ang kanyang napiling pakasalan?

Samantalang ang naging past boyfriends niya ay mayayaman at sunod ang layaw niya sa buhay pero lahat ay tinanggihan niyang magpakasal.

Inamin ni Lara na dalawa niyang ex-boyfriends ay nag-alok ng kasal noon pero kay Marco raw niya nakita ang pagiging supportive.

Ang first boyfriend niya ay isang nurse sa United Kingdom at ang second boyfriend ay isang businessman na siyang naging dahilan kung bakit siya napatalsik noon sa rating noontime show ni Willie Revillame sa Dos.

Tutol daw kasi ito sa kanyang showbiz career at yung first boyfriend niyang nurse ay ayaw siyang maging beauty queen.

Si Marco raw ay suportado siya sa kanyang career at yun daw ang napagkasunduan nila ng character actor bago siya pumayag magpakasal.

******

MARAMI ang nagulat sa hula ng psychic na nag-guest sa radio program ni Jobert Sucaldito.
Walang kagatol-gatol na sinabi niyang mabubuntis daw si Kris Aquino (hindi naman imposible dahil babae ito) ngayong 2012.

Ang nakagugulat ay si Coco Martin ang ama ng pagbubuntis ni Kris at isang babae raw ang kanilang magiging anak.

Aywan kung gusto lang magpasikat or mapagkilala ang psychic para mapag-usapan pero nagmamatigas ito na yun daw ang vibration niya at sobra raw ang feeling niya na magkakatotoo ito.

Well, wait na lang kami kung one of this day ay ma-link sa isa’t isa sina Kris at Coco.

Pero ang sigurado ay na-vibrate ni Kris na magiging second place sa kita sa takilya ang movie niyang Segunda Mano at ang kapartner niya si Dingdong Dantes ang tatanghaling Best Actor sa Gabi ng Parangal ng MMFF.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply