Pauleen Luna inamin na ni Vic Sotto

HABA ng hair ni Pauleen Luna, it is said na sa gitna ng maraming kontrobersiya, ayan at umamin na si Vic Sotto na sila na nga. This, in effect, would give freedom to Pauleen na magsalita ng kanyang saloobin about the issue.

Tiyak na pagpipistashan ng press ang pag-amin ni Vic at hindi titigil hangga’t ‘di nagpapaliwanag si Pauleen.

Ngayong umamin na sila, dapat nang linawin ni Pauleen ang maraming issues surrounding their supposed affair.

Hindi ganoon kadali, ever since kay Bossing Vic ang umamin sa mga babaing nali-link sa kanya. Pero oras na nagsalita ito about the issue, that means handa na niyang ibigay ang pangalan sa babaing inamin niya.

Hindi ba nakahanda nang pakasal sana si Vic kay Pia Guanio at kung hindi lang nagkaroon ng problema sa kanilang relasyon, baka si Bossing Vic ang naging asawa ni Pia Guanio. Ilang taon din naman ang kanilang relasyon.

At sana, si Pauleen na ang huling babae kay Vic Sotto.

Sana at sana pa!

***

Dahil kampi kay Kristine Hermosa?
Oyo Boy sobrang kontra sa relasyon ng ama kay Pauleen Luna

VERY controversial yung tweets ni Oyo Boy Sotto sa supposedly ay mga babaing malanding mukhang pera.

May mga humuhulang patungkol yun kay Pauleen Luna na siyang apple of the eye ng tatay niya.

May pinatatamaan ba siya?

“Ewan ko. Sabi ko nga kasi, kung sino yung tamaan, siya yun.”

Bakit niya naisipan na mag-tweet ng ganun? Galit ba siya sa taong pinatutungkulan niya?

“Basta sabi ko kung sino yung tinamaan, siya na yun, siya na yun.”

Ang hula ng iba, si Pauleen Luna ang pinatatamaan ni Oyo. Against ba siya sa sinasabing relasyon diumano nina Pauleen at Vic?

“Wala akong sinasabi na kay Pauleen yun, di ba? so…”

Pero against ba siya sa relasyon, kung meron nga?

“Well ako, kung totoo man yung sa kanila ni Pauleen, basta ito lang ang sasabihin ko, ayoko talaga! Iyon lang, ayoko talaga.”

Bakit?

“E bata kasi siya sa akin, e.”

Twenty-eight si Oyo at 26 years old si Pauleen.

May connection ba ito sa naging isyu diumano noon sa pagitan nina Kristine at Pauleen?

May isyu kasi noon na nagkaroon ng gap ang dalawa, dahilan kaya umalis diumano si Pauleen sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.

“Actually lumabas nga yung isyu na… parang may nabasa nga ako na si Tin raw yung talagang nagtutulak sa akin para magalit daw sa kanya or sa mga nararamdaman ko raw.”

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply