PCG magpapakalat ng tauhan sa Cebu fluvial parade

MAGPAPAKALAT ng mahigit 60 tauhan at mga search and rescue vessel ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa nalalapit na fluvial parade sa Cebu City kaugnany ng pagdiriwang ng kapisatahan ng Sto. Niño sa Enero 14.

Ayon kay Cebu Coast Guard Commander Ronaldo Punzalan, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga magsisidalo sa prusisyon sa dagat.

Pinaalalahanan din ni Punzalan ang mga dadalo sa okasyon na huwag magdadala ng alak, paputok, illegal drugs, baril at iba pang uri ng nakamamatay na armas.

Ang mga sasakyang pandagat na makikilahok sa fluvial parade ay kinakailangan din umanong nakarehistro sa Maritime Industry Authority o Marina.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng PCG ang overloading upang makaiwas sa anumang aberya sa dagat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply