PCG naka-heightened alert sa pagbabalik ng mga bakasyunista

NANANATILING naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagdagsa ng mga pasahero at bakasyunistang nagsisibalik sa Metro Manila mula sa mga probinsya para sa holiday season.

Ayon kay Coast Guard spokeperson Lt. Cmmdr. Algier Ricafrente, dino-double check nila ang mga bagahe ng mga pasahero upang matiyak ang seguridad ng bawat isa at ligtas na makararating sa kanilang destinasyon.

Sinabi ni Ricafrente, na muli nilang pinaalalahan ang mga pasahero na huwag tangkilikin ang mga colurom na motor banca na ginagawang pampasaherong sasakyang pandagat upang makaiwas sa anumang trahedya sa karagatan.

Muli ring pinaalahan ng Coast Guard ang lahat ng sasakyang pandagat na iwasan ang mag-overloading para na rin sa kaligatsan ng bawat pasahero.

Kaugnany nito, nakipag-uganayan na rin ang PCG sa Maritime Insdustry Authority (MARINA) upang masiguro na sapat ang bilang ng biyahe ng barko.

Patuloy naman ang monitoring ng Coast Guard sa sama ng panahon sa Visayas at Minadanao.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply