Petrolyo sisirit; kuryente bubulusok

PANIBAGONG pasanin sa panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petroyo ang mararanasan ngayong linggong ito.

Ayon sa Department of Energy and Natural Resources (DENR), ang pagtaas ng produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng krudo sa world market mula Lunes hanggang Huwebes noong nakaraang linggo sa halagang $4-$6 dahil sa tensyon sa bansang Iran.

Dahil dito, posibleng tumaas ang produktong petrolyo ng P1.75 kada lito ng unleaded gasoline, posible namang umabot sa P1.30 kada litro ng diesel.

Samantala, nakatakda naman bumaba ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa Meralco, ang pagbaba ay bunsod sa pagbabawas nila ng generation charges ngayon buwan ng Enero

Paliwanag pa ng Meralco, ang pagbulusok sa singil ay dahil sa pag-estabilisa o pagtatag sa presyo ng kuryente.

Hindi naman binanggit ng Meralco kung magkano ang kanilang ibababang singil sa kuryente.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply