Petron magpapatupad na rin oil price hike

MAGPAPATUPAD na rin ng oil price increase ang Petron mamayang alas-12:00 ng hatinggabi.

Sa kahalintulad na oil price hike ng Shell at Eastern Petroleum, 90 sentimo ang itataas sa presyo ng kada litro ng kanilang premium gasoline, habang 60 sentimo sa regular gasoline. 30 sentimo naman ang itataas sa diesel at 20 sentimo sa kerosene.

Pero bukod sa gasolina, magtataas din ang Petron ng P3 sa kada kilo ng kanilang LPG at P1.88 naman sa Auto LPG.

Hindi naman kasama sa mga magtataas ng presyo ang mga gasolinahan ng naturang mga kompanya sa Cagayan de Oro City at Iligan City na sinalanta ng bagyo.

Samantala, inaasahan naman ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) na magtataas ng halos P50 ang presyo ng kada 11-kilogram tank ng LPG ngayong Enero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply