Phil consulate sa Sabah hiniling na itatag

ISANG House Resolution ang pinagtitibay ngayon para hilingin sa Department of Foregin Affairs na magtatag ng Philippine consulate sa estado ng Federation of Malaysia malapit sa Sabah upang suportahan ang mga Filipino na umaalis sa Sabah.

Sinabi ni Rep. Al Francis Bichara (2nd District, albay), chairman ng House Committee on Foreign Affairs, ang House Resolution No. 204 ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan at proteksyon sa karapatan ng mga Filipino sa Sabah.

Ang Philippine consulate malapit sa Sabah ang mangangasiwa sa proseso ng mga dokumento na kailangan ng mga Filipino roon. Tinatayang nasa 350,000 ang undocumented Filipino ang naninirahan sa Sabah na makikinabang sa itatatag ng Philippine consulate.

“Sa pamamagitan ng Philippine consulate, malalaman ng ating gobyerno ang kondisyon ng mga nakakulong na Filipino roon para mabigyan sila ng sapat na tulong,” wika ni Bichara.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Bichara na mayroong 30% na Filipino ang sumasakop sa populasyon sa Sabah na nahaharap sa hindi mabilang na kaso gaya ng trafficking, detention, labor problems na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply