Philhealth haharapin ang reklamo ng OFWs

HINDI umano aatras ang PhilHealth sa kahit anong imbestigasyon ng Senado hinggil sa reklamo ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa pagtataas nila ng premium.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Greg Rulloda, maipapaliwanag nila ng tama at kumpiyansa sila na maiintindhan ng mga senador ang kanilang dahilan kung bakit kinailangang itaas ang premium sa PhilHealth.

Matatandaang nagbanta ang mga OFW na sa oras na matuloy ang nakaambang pagtaas sa kanilang mga premium ay magsasampa sila ng kaukulang reklamo.

Ayon sa Migrante Middle East ay hindi ito makatwiran lalo pa’t sumasama ang lagay ng ekonomiya ng buong mundo.

Nabatid na mula sa kasaluku­yang P900 na membership premium, gagawin na umano itong P2,400 simula sa Hulyo.

Sinabi  naman ni  Sen. Koko Pimentel na hindi napapanahon ang hakbangna ito ng PhilHealth lalo pa’t walang nangya­ring konsultasyon sa mga OFW kaugnay sa napakala­king pagtaas sa PhilHealth premiums. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply