Philtrade property muling bubuhayin

NAPAGKASUNDUAN ng Department of Trade and Industry, Social Security System at Philippine National Bank ang muling pagbuhay sa Philtrade property.

Batay sa napagkasunduan, magiging permanenteng lugar ang Philtrade para maipapakita ng mga exporters ang kanilang produkto sa ibang bansa.

Ayon kay DTI Usec. Cristino Panlilio, nais nilang muling buhayin ang foreign trade service corps, na tumututok sa iba’t ibang merkado upang magsilbing lugar para sa trading.

Nabatid na isa sa prayoridad ng DTI ay ang muling pagbuhay sa sektor ng garments upang ma-export sa ibang bansa.

Kaya naman target ng DTI na simula ang pagsasaayos ng FTSC ngayon buwan.

Dahil dito, inaasahang lilikha ng 200,000 trabaho ang nasabing proyekto. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply