Phivolcs ninakawan ulit sa Albay

SA IKALAWANG pagkakataon, muli na naman pinagnakawan ng ilang gamit ang tanggapan ng  Philippine Institute of Volcanology & Seismology (Phivolcs) Legazpi.

Batay sa ulat ni Ed Laguerta ng Mombon, Irosin, Sorsogon at resident volcanologist ng Phivolcs Legazpi, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang mapansin nito na nawawala na ang ilang gamit sa kanilang opisina tulad ng laptop at CPU na mula sa nasabing ahensiya.

Napag-alaman na pumasok ang empleyadong si Ramses Valerio sa opisina subalit sa pag-alis nito ay hindi napansing ikandado ang pintuan na naging daan para makalusot at mabigyan ng pagkakataon ang mga magnanakaw na makapuslit.

Dalawang linggo pa lamang na ang nakakalipas nang pagnakawan din ang isa sa mga opisina ng Phivolcs at tangayin ang ilang baterya at wire ng ahensiya na nagdulot ng pagkaparalisa ng kanilang operasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply