Pilipinas pasok sa ‘friendliest countries in the World’

IPINAGBUNYI ng pamahalaan ang pagtaas ng antas ng economic ranking ng Pilipinas mula sa 107 na umakyat sa 115 sa kabila ng pandaigdigang economic crisis.

Ayon sa 2012 index ng World Economic Freedom, nasa 107th ang Pilipinas sa 179 na bansa na umakyat ang puntos.

Bukod dito, ipinagmamalaki rin ang pagkakakilala sa Pilipinas bilang ikawalo sa Friendliest Country in the World kung business freedom ang pag-uusapan.

Ang nasabing pagkilala ay ayon naman sa HSBC Expat Explorer Survey.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, masaya sila dahil napansin maging ng international think tank na nakabase sa Washington ang kanilang pagpupursige na maayos ang pamamahala sa bansa.

Ayon kay Valte, magpapatuloy ang kanilang pagsasaayos sa sistema ng pagnenegosyo at paghabol din sa mga tiwaling opisyal na balakid sa tuluyang pag-unlad ng bansa.

Hinggil naman sa ranking ng Pilipinas sa mga pinaka-palakaibigang bansa sa mundo, inihayag ni Valte na patunay ito sa sinasabi ng Department of Tourism (DoT) na ‘It’s More Fun in the Philippines.’

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply