Pinaghinalaang asset ng pulis, itinumba

PATAY ang isang pinaghihinalaang asset ng pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Namatay habang ginagamot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rafael Ignacio, alyas “Bunso,” 27 ng Policarpio St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City, sa sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center .

Sa pahayag ng saksing si Maggie Cruz, 32, dakong 3:15 ng madaling araw, nag-aabang siya ng masasakyan sa Langaray St., Caloocan City nang makarinig ng sunod-sunod na putok.

Nakita niya ang biktima na tumatakbo papalapit sa kanya hanggang sa bumagsak sa lupa.

Agad na humingi ng tulong ang saksi sa kalapit na District Police Intelligence Operation Unit na rumesponde subalit hindi na inabutan ang suspek.

Dinala naman ang biktima sa nasabing ospital kung saan binawian ng buhay.

Nabatid na madalas makita ang biktima na nagpupunta sa DPIOU noong nabubuhay na naging dahilan upang paghinalaan na asset ng pulis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply