Pinas ligtas sa tsunami: Sumatra nilindol ng magnitude 7.3

PINAWI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang banta ng pagdaluhong ng tsunami sa Pilipinas makaraang yanigin ng lindol na may magnitude 7.3 ang Sumantra, Indonesia.

Ayon sa tsunami bulletin, ipinahayag ng Phivolcs na hindi magkakaroon ng tsunami sa bansa kung saan hindi nangangailangang lumikas ang mga residente.

“Phivolcs Tsunami ALERT Level is 0. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” base sa pahayag ng Phivolcs.

Una nang napabalitang niyanig ng lindol umaga ng Miyerkules ang Northern Sumatra, alas- 2:37 a.m. sa oras ng Pilipinas.

Base pa sa inisyal na data, sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay may lalim ng 33 km at naitala ang preliminary magnitude na 7.3.

“No destructive Pacific-wide threat exists based on the historical and tsunami data. However, earthquakes of this size sometimes generate local tsunamis that can be destructive along coast located within a hundred kilometers of the epicenter,” saad pa ng Phivolcs.

Wala namang napaulat na nasawi sa nasabing pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply