Pinas walang pakinabang sa VFA– Tañada

WALANG pakinabang ang Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng bansa at Estados Unidos.

Ito ang nakikita ni Deputy Speaker Erin Tañada kasunod ng tensyon sa pinag-aagawang Spratly Island kasabay ng pagtaas ng mas marami pang US troops sa bansa.

Ayon kay Tañada, napanatili naman ang magandang economic relationship ng China at Pilipinas kahit sabihin pang may sigalot ito sa nasabing isla dahil na rin ito sa matagal ng kasaysayan ng pakikipagkalakal sa mga Tsino at pagkakaroon nila ng komunidad sa Pilipinas.

Giit ni Tañada, na dalawa ang dahilan kung bakit nananatili ang mga Kano sa bansa, ito ay ang Sino-US relation at ang problema sa terorismo.

Ngunit babala ni Tañada na maghinay-hinay ang gobyerno sa pagpayag na tumapak ang mga Amerikano sa bansa dahil baka masagasaan ang pinangangalagaang integridad, teritoryo, at kalayaan ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply