Pinay bibitayin sa Malaysia sa kasong illegal drugs

ISA na namang Pilipina ang nakatakdang bitayin sa bansang Malaysia matapos na mapatunayan na sangkot sa pagpupuslit ng iligal na droga sa nasabing bansa.

Sa ulat na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakilala ang kababayan na si Jeanette Congcan Opena, 32-anyos at nagmamay-ari ng isang cybercafé sa Kuala Lumpur.

Nahuli si Opena sa Kuala Lumpur International Airport na may bitbit ng hindi pa matukoy na gramo ng cocaine na ibinabad sa basang tuwalya noong Disyembre 4, 2008

Kahapon (Enero 11), inapela ng kagawaran ang hatol na iginawad ng korte laban kay Opena.

Ayon naman sa ulat ng New Straits Times ng Malaysia, hindi pinaniwalaan ng husgado na inosente si Opena.

Sinabi pa ng korte na imposibleng hindi alam ni Opena na iligal na droga ang kanyang bitbit dahil isa umano itong edukadong tao.

Batay sa imbestigasyon, dapat nagduda na ang akusado sa mabahong tuwalya na dala-dala niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply