Pinay na ikinulong sa Qatar makakauwi na

MAKAKAUWI na ng bansa ang isang Pinay OFW na ikinulong ng kanyang employer sa Qatar at sinasabing nasiraan ng katinuan.

Sa report, napag-alamang nakalabas na ng kulungan si Luzviminda Ong at nasa mabuti na umano itong kalagayan.

Nagpapasalamat naman si Rita Agustin na siyang naging daan upang pakinggan ang kanilang mensahe na tulungan ang kanyang kaibigan matapos nitong mabatid na ikinulong ng kanyang amo matapos na magkasakit at masiraan umano ng bait.

Ang kapatid nitong si Melanie Ong, isa ring OFW, ay nagpapasalamat sa lahat ng nanalangin at tumulong sa kanyang kapatid  na nakatakda nang umuwi ng bansa sa susunod na linggo.

Una nang sinabihan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng biktima na personal na magtungo sa kanilang tanggapan upang mapag-usapan ng problema ng kanilang kaanak na agad namang inaksyunan ng sangay ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply