Pinoy crews sa tumagilid na barko sa Italy iuuwi na

UUWI na ng Pilipinas simula bukas ang 296 Filipino crew ng barkong tumagilid sa Tuscany, Italy.

Ani Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Raul Hernandez, pansamantala munang magbabakasyon ang mga Pinoy crew habang inaayos ang panibago nilang deployment sa susunod na mga buwan.

Una nang tiniyak ng DFA na ligtas ang lahat ng crew at inaasahang makalalabas na rin ng ospital ang tatlong Pinoy na nabalian ng braso at nag-hypothermia.

Binanggit naman ni Hernandez na inako na ng Costa Crociere, may-ari ng cruise ship na Costa Concordia, ang aksidente at nangakong magbibigay ng kaukulang tulong sa mga tauhan ng barko.

Bukod dito, babayaran din ng kumpanya ang mga nawalang kagamitan ng mga biktima, tutulong na mapalitan ang mga nawala nilang dokumento at makikipag-ugnayan sa bansa hinggil sa mabilis na repatriation ng mga Pinoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply