Mga Pinoy sa Syria gusto nang magpalikas

MAS marami pang overseas Filipino workers (OFWs) sa susunod na linggo ang inaasahang darating sa bansa kasunod ng ipinatupad na mandatory repatriation ng pamahalaan sa Syria.

Ayon kay OWWA administrator Carmelita Dimzon, tuloy-tuloy ang negosasyon ng kanilang composite team sa employers ng naturang mga OFWs para mapayagan silang makauwi, lalo at ang mga ito mismo ang may gustong makauwi na sa Pilipinas.

Una nang itinaas ng Department of Foreign Affairs sa level 4 ang alert crisis sa nabanggit na bansa.

Samantala, nanguna si Dimzon sa pagsalubong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 75 mga Pinoy workers na dumating kanina sa bansa.

Sa kabuuan, may 570 na ang nailikas ng pamahalaan mula sa Syria.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply