Pistons nilugmok ng Warriors

KAHIT papano ay nakakahinga ng bahadya ang Golden State Warriors matapos madagdagan ang kanilang panalo nang sugpuin nila ang Detroit Pistons, 99-91, kanina sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season.

Umiskor si David Lee ng 24 kasama ang six rebounds at three assists habang 22 puntos, pitong assists at dalawang boards ang kinana ni Monta Ellis upang ilista ang 3-8 win-loss slate ng Warriors.

Angat ng apat na puntos, 48-44, ang Detroit matapos ang halftime subalit nagwala ng 8-0 ang Warriors sa third canto upang makuha ang lamang hanggang sa matapos ang apat na quarters.

Lumamang ang Warriors ng lima at sa kalagitnaan ng fourth period ay umiskor sila ng 10 para umalagwa ito sa 88-73.

May 25 points, walong rebounds at tig-isang assist at steal si Greg Monroe para sa Pistons habang nag-ambag din si forward Tayshaun Prince ng 20 puntos, pitong rebounds at isang assists.

Pinutol ng Pistons ang six-game losing streak noong Biyernes matapos nilang talunin ang Charlotte Bobcats subalit hindi nila naduplika ang panalo dahil sinuwerte si Lee.

May 3-9 panalo-talo karta ang Pistons.

Samantala, nanalo ang Utah Jazz kontra Denver Nuggets, 106-96. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply