Plunder vs 2 heneral isasampa na ng DOJ

IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa dalawang dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang matataas na opisyal ng military at kanilang mga kasabwat na sibilyan kaugnay sa anomalya sa AFP na ibinunyag ni Col. George Rabusa.

Sa 22 respondents sa kaso, 11 ang inirekomendang makasuhan ng plunder sa Ombudsman. Kabilang sa mga ito ay sina Maj. Gen. Carlos Garcia, Maj. Gen. Jacinto Ligot, dating Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, dating Chief of Staff Gen. Roy Cimatu, BGen. Benito Antonio de Leon, Col. Cirilo Tomas Donato, Lt. Col. Ernesto Paranis, Generoso del Castillo, Divina Cabrera, at iba pa.

Nakasaad sa mahigit 100-pahinang resolusyon ng DOJ panel of prosecutors na may katotohanan ang mga ibinunyag ni Rabusa na malawakang iregularidad sa AFP.

Sinabi ng DOJ na inilihis ang pondo ng AFP sa pamamagitan ng scheme na tinatawag na Operating and Program Budget upang i-convert ang AFP fund para sa personal na gamit ng mga nabanggit na respondent.

Nauna nang ibinunyag ni Rabusa na ang mga nabanggit na opisyal ng AFP ay nagkamal ng iligal na yaman na nagkakahalaga ng mahigit P50 milyon sa pamamagitan ng misappropriation o malversation of public funds.

Samantala, kabilang sa mga inabswelto ng DOJ dahil sa kawalan ng ebidensya ay sina Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan, Maj. Gen. Epineto Logico, Capt. Kenneth Paglinawan, Gen. Efren Abu, Col. Gilbert Gapay, Maj. Emerson Angulo, Maj. Gen Ernesto Boac, Col. Robert Arevalo, Arturo Besana, Crisanto Gabriel at Mahuek Warren.

Nilinaw naman ni Justice Secretary Leila de Lima na recommendatory lamang ang resolusyon ng DOJ dahil nasa Tanggapan ng Ombudsman kung tuluyan isasampa ang kasong plunder laban sa 11 respondent sa Sandiganbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply