PNoy, DOE makikipagpulong sa transport groups

NAKATAKDANG makipagpulong si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at Energy Secretary Jose Rene Almendras sa mga transport group sa susunod na linggo.

Ang pulong ay upang matalakay ang magiging permanenteng solusyon sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Naaapektuhan ang gobyerno at ang transport sector sa “deregulated local oil industry” sa bansa bunsod ng paiba-ibang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan at kaguluhan sa Iran,

Ayon sa Department of Energy (DOE), nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng solusyon na pabor sa mga drayber.

Naniniwala kasi ang DOE chief na panandaliang solusyon lamang ang fuel subsidy o ang Pantawid Pasada Program.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply